The Four Aces

Posted by Analyse at 3:47 PM

Friday, August 26, 2005

Uso yata ang tagging ngayon...

Agring, here's my 4 aces, don't know if it's the winning lot, but if I were with my friends playing tong its, sigurado, makakapitik na naman ako ng ilong/tenga nito hehe...

APAT NA PINAKADAKILANG PILIPINO:
1. Dr. Jose Rizal - sige nga, sino pa ang gustong magpabaril sa luneta?
2. Ninoy Aquino - kung hindi dahil sa kanya, malamang under martial law pa rin tayo, nanay ko po!
3. My Dad - sipag nyan, kung hindi dahil sa kanya, wala ako sa kinalalagyan ko ngayon.
4. My Mom - partner in crime ni daddy, sya yung wonderful lady behind every success of my dad and all of her kids.

APAT NA PILIPINONG HINAHANGAAN MO SA ANUMANG LARANGAN:
1. My Dad - for obvious reasons
2. My Mom - for obvious reasons
3. Ate Clarice - my sis, kahit di ako ganun ka-showy, I guess she knows how i appreciate her a lot.
4. Ate Carmen - yung kapitbahay namin, she's just so real, a natural kind-hearted individual who gives without expecting anything in return. sana lahat ng tao tulad nya.

APAT NA MAGAGANDANG LUGAR SA PILIPINAS NA NARATING MO:
1. Palawan
2. Hundred Islands
3. Anilao
4. Puerto Galera

APAT NA LUGAR SA PILIPINAS NA GUSTO MONG MAPUNTAHAN
1. Bohol
2. Boracay
3. Ilocos
4. Cebu

APAT NA BAGAY NA PAG-NAKIKITA MO NAALALA MO ANG PILIPINAS:
1. My old pictures
2. Mango
3. Knorr Sinigang Mix
4. Kangkong

APAT NA PUTAHENG PILIPINONG PABORITO MO:
1. Pinakbet
2. Adobong Pusit
3. Paksiw na Tilapia or Bangus
4. Daing na Bangus for breakfast

APAT NA SALITANG PILIPINO NA KAILANGAN MO NG TALASALITAAN PAG IYONG NARINIG:
1. Ngek, ano ibig sabihin nito?

APAT NA KANTANG PILIPINONG GUSTO MONG MARINIG:
1. Mga kanta ni Ely Buendia
2. Mga kanta ng Side A
3. Say that you love me by Martin Nievera
4. Mga kanta ng Freestyle

APAT NA MATATAMIS NA SALITANG O KATAGANG PILIPINO:
1. Mahal
2. Labs
3. Darleng (gamit kadalasan ng mga tindera sa palengke)
4. Jokla (hehe)

APAT NA APELYIDO NA PAG IYONG NARINIG NAKAKATIYAK KANG SILA AY PINOY:
1. Laquindanum (ilokano yan hehe)
2. Moselina (di yan italiano, di rin espanyol, tagalog syempre hehe)
3. de la Cruz (lalo na kung ang pangalan ay Juan)
4. Susa (di Susi or Suso ha)

APAT NA PANGALANG PINOY NA AYAW MONG IPANGALAN SA IYONG ANAK:
1. Luningning
2. Liwanag
3. Halina
4. Habagat

APAT NA LARONG PILIPINO NA NALARO MO NA NG BATA KA PA:
1. Langit Lupa
2. Jackstone
3. Shatong
4. Patintero

APAT NA BAGAY NA AYAW MO SA PILIPINAS:
1. Big gap between the rich and the poor, too much imbalance
2. Almost everything is expensive, as if everything is based on the salary of the rich people and those working abroad
3. Too high cost of education and less employment opportunity after college
4. Payabangan palagi, puro naman utang

APAT NA BAGAY NA GUSTO MO SA PILIPINAS:
1. Andun lahat ng family and friends ko.
2. We could still smile inspite of all the problems surrounding us.
3. Temperature ng dagat, pwedeng dive kaagad, unlike dito.
4. Pwedeng magprito ng tuyo na walang maaasar na kapitbahay.

APAT NA BAGAY NA GAGAWIN MO KUNG IKAW ANG PANGULO NG PILIPINAS:
1. Patalsikin lahat ng nakaupo sa gobyerno at palitan ng mga blogfriends ko, hehe. of course yung mga conscientious at me malasakit talaga sa bayan at medyo me background sa economy.
2. Invite more investors to create jobs for the madlang people and at the same time, encourage job and profit generating businesses - something which will create value.
3. Clean the Philippines to incite local and foreign tourists in visiting our 7,001 islands. (from basura and terrorism - you want independence? go and get it bros and leave the other surviving filipinos alone! common tao na lang lagi ang biktima!)
4. Teka, iboto nyo muna kaya ako!

APAT NA ALAS NA AKING NAPILING TAGAYAN:
Sorry na lang, I'll keep my aces, aba, winning cards ko to, bat ko naman ipapasa hehe... makapitik na nga ng tenga..

6 comments:

Bokbok said...

i love pinakbet, adobong pusit, paksiw and daing na bangus. now you got me salivating! problema, di ko sila alam lutuin...

83 days left... ready?

;)

ps: naks me "word verification" pa! informaticiene na informaticiene ang dating ng mader-tu-bi, hehe.

Anonymous said...

hehehe

duke said...

aba! love na love ko ang patintero nung bata ako! kahit salingkit lagi ako!

RAV Jr said...

Hello! pasensya na po last time, kala ko kase eh bisaya ka din kase ang ganda mo, tulad ni Nao (syempre sali ko si Nao kase nsa taas ko sya kasunod ako, hehehe ;)

Hahaha...natuwa ako dun sa sabing mong pag ikaw naging presidente patatalsikin lahat at ipapalit mga kaibigang bloggers, hahah...nice...

Analyse said...

Yep Boks, I'm approaching D Day! How I wish I could those I listed..kahit naman alam ko silang lutuin, wala namang ingredients :(

Word verification - dami kasing asungot e hehe..

Duke, sarap maglaro lalo na pag bilog ang buwan, sundan ng horror kwentos no hehe..

Nao, naks imported na hello pa ha..

Dops, hehe, magaganda din kasi ang mga taga zambales nyehehehe...

Ano apply ka na ba para sa bagong govt ko hehe..

Ladynred said...

Hi Ana,
Tama ka mag-prito ng isda sa atin kahit saan sa loob, sa labas Ok lang. Dito sa amin problema din. Kaya oven at BBQ nalang!
Thanks for answering my tag.