Not Her!

Posted by Analyse at 5:57 PM

Saturday, May 31, 2008

Medyo na-bad trip yata ako kahapon. Nalaman ko kasi na yung proyekto nung katrabaho ko e hindi pa maayos ayos at kailangan pa nyang tumigil sa Tsina. So sa madaling sabi, magiging mas okupado pa sya kesa sa naka-plano. E sya pa naman yung papalit sa akin sa proyekto ko naman dito sa Dijon habang ako ay naka-maternity leave. And mas masama pa, parehong makina yung trinatrabaho nya sa Tsina at yung makina na itinatayo dito sa Dijon sa ngayon (as in yung makina ko). Magkaiba nga lamang ng proseso. Gagana naman kaya yung makina dito sa Dijon? Lagot ako pag hindi, ako kasi yung nag-design ng makina.

So sabi ni bosing kaninang umaga, since busy yung isa, baka yung isang katrabaho ko na lang yung papalit sa kin kasi mahirap iwanan sa baguhan (kukuha kasi sila ng papalit sa kin - contractual) yung proyekto ko lalo pa at nagiging mainit na sa mata ng mga big bosing tong proyekto na to dahil nga sa experience sa Tsina.

Heto ang problema ko sa ngayon. Yang isang katrabaho ko din kasi na yan yung pumalit sa kin nung naka-maternity leave ako kay Louna. Na-hire din sya pagkatapos kasi nagkataon na me umalis na katrabaho namin. E hindi ko sya feel. Heto kung bakit:

- Isa syang fashion victim. Sya ang nagpa-uso ng high heels, palda, make-up, alahas, at susmaryowsef, kung makadamit, kita na ang cleavage! Magkasama nga kami nyan minsan sa Barcelona, kinabukasan, sinisipon na. Kung di ba naman sya magkasakit e ang baba ng damit nya. Sabi ko sa kanya, e pers taym nyang magbyahe, pano pa pag sa Asia o US sya pinadala, e Europe pa lang, di na sya maka-adjust sa klima, lol. - Sa awa ng Dyos, di pa sya bumabyahe mula nung na-hire sya, ngek.

- Masyado syang magastos. Biruin nyo, kilala na nya lahat ng driver ng taxi sa Paris! E karamihan sa amin e nagmemetro lang. E ikaw ba naman ang naka-heels palagi. Minsan, nagco-compare kami ng gastos. Sya, di nga bumabyahe di ba, hanggang Paris lang. Ako, galing ng Bangkok noon (kasama tiket sa eroplano ha). Aba, halos pareho kami ng gastos. Kaya siguro di pinapadala sa labas, ang gastos e.

- Masyado syang pa-epek. Lam nyo yun, nasa meeting e hindi mahiwalay ang mata sa computer. Hello, respeto lang po sa ibang tao no, kung di mo maiwan ang laptop mo, e di wag kang umattend ng meeting. Minsan naman, kung makaporma sya e parang alam nya lahat. Hay naku.

- Parang wala akong tiwala sa kakayahan nya. Minsan kasi, may gusto akong ipakitang litrato na kuha sa mikroskopyo sa kanya. Gusto kong malamang kung ano ang opinyon nya tungkol sa problemang yun. Sa panahon kasi na yun, me problema din sya sa proyekto nya. Aba, di pa daw sya nakakita ng litrato ng partikular na bagay na yun na kuha sa mikroskopyo. Hello?

- Medyo sipsip lang naman sya. Aga yang pumasok pag andyan si big bosing. Ganda ng chika lagi kay bosing. Samantalang sa amin na ka-level nya, wala kang makukuhang impormasyon na galing sa kanya. Feeling ko tuloy, extract lang sya lagi ng kakayahan namin, kami, walang mapala sa kanya. Sabi ni Frenchguy, it's either ayaw nyang mag-share ng info, o kaya, di sya ganun ka-confident para mag-share, o wala syang alam.

- Feeling ko, di sya seryoso. Minsan kasi, magkasama kami sa training sa Paris. Di pa tapos ang meeting, nagpaalam na sya at maiiwan daw sya ng tren. Ganun? E meron pa namang tren pagkatapos nun. E trabaho nya yung pinag-uusapan. Ako e consultant lang kuno. Nung Martes, ganun ulit. Umalis sya bago pa matapos ang training.

- Hindi ko rin sya ma-imagine na humawak ng makina. E tumingin na nga lang sa mikroskopyo, di pa nya magawa e. Yan ang problema sa mga bagong inhinyero sa amin, lagi na lang nakaharap sa laptop. Ang sa akin lang, paano ka magiging epektibo kung ni hindi mo alam kung ano sinasabi mo?

- Ang pinaka-ayaw ko pa sa kanya, hindi sya honest. Or ewan ko kung ano tawag dun. E di ba nga sya yung pumalit sa kin nung buntis ako kay Louna. So sya humawak ng mga subjects ko. Then merong award yung isang subject, pero yung pinakamalaking trabaho, syempre ako ang gumawa. E hindi naman alam ni big bosing yun kasi bagong dating lang sya sa service nung panahon na yun. Aba, ang loka, taas noo sa pagkuha ng award, nakalimutan ang pangalan ko. As in ang sama ng loob ko nun.

So ayun. Ako ang nag-design ng makina. Feeling ko, iba na naman ang mag-aani ng itinanim ko. Bakit ba naman ang aga kasi ng maternity leave dito sa Pransya? Hay naku. Bad trip. Kakausapin ko talaga si bosing pag confirmed na sya nga ang papalit sa kin. Laki ng problema ko no?

15 comments:

lovelyn said...

Galing ng Tagalog mo. Buntis ka nga hahaha... parang gusto ko rin(hwag naman po sana).

I enjoyed reading this, parang 'komiks'. Its not that you have a big problem kundi, malaki lang talaga tama nyang katrabaho mo hehehe...aside from the hormones of course.

Anonymous said...

She sounds annoying as heck, Analyse. Showing cleavage, leaving early when work is not done and wasting the company's money is NOT professional at all. I think she's just good at porma with the boss that's why she still has a job.

Is there any way to delay your leave? Just say it's to spend more time with the baby after the birth not before.

On the other hand, please don't stress yourself with this. Your body is more delicate than usual.

Soy said...

May mga tao talaga na pag kulang sa alam, mag compensate nalang sa porma. Pati ako, naiinis na rin sa kanya! hehehe

Analyse said...

Lovelyn, lol, tagal na kong di sumusulat sa tagalog, pinaghirapan ko yan haha.. at sobrang asar lang talaga and i dont want somebody at work read this..

Joanne, at mahirap ding mag-fire ng ganun ganun na lang dito, they're protected here. so minsan, kahit di competent, obligado silang i-keep.

hmmm, me minimum required leave kasi sila dito.. and i dont want to have this mère indigne title.. as you know, i travel a lot during normal period, ayaw ko namang puro trabaho na lang, there's more to life than that.. nakakaasar lang talagang iwanan ang trabaho at that situation, hmp.

Soy, naku sabi mo pa.. and to think na ang kultura sa opisina e pantalon at t-shirt lang.. napapaporma tuloy ako minsan ng wala sa oras.. baka kasi mapagkamalan akong alalay nya pag magkasama kami, lol.

Anonymous said...

Oi, I wear high heels all the time, I have become the high heels and sunglasses icon at work, they even call me the high fashion lady or Imelda (Marcos), guffaw!

Anyway, politics at work are really annoying. One thing I have learned is to play politics how the locals play. Never use your Filipino or Asian reasoning because you may think it may work for you but it won’t really bring you further. A lot of corporate politics all have to do with 1 single thing – ME or I. It’s a very selfish world but that’s the reality. Most people that succeed have been calculating on who, when, where to share important information. It’s all about the image – not what your coworkers think of you but how your immediate superior and management perceive you.

I myself have been preoccupied with politics in my new job. It’s stressful. Every move is a political activity. When my boss asks me if I can bring in additional €€€, the best way to answer is – what’s in it for me? Or else I won’t go anywhere. Sigh.

As for this colleague, my unsolicited advice would be to ignore her. It’s not good when you become consumed about someone at work. This person will not only irritate you, but this person will make you out of focus and bitter. Channel your energy and thoughts somewhere else. Stay positive!

Good speed.

-DP

haze said...

Well I think she wants to look sexy because she's only good at that and never at work! This doesn't necessarily mean that a person who is well dress is incompetent! This is just how I analyse why is she dressed that way. O baka naman walang boypren :D ???

In terms of how she behaves at work, I can see she's competent if not she will not be hired by the company. However, she does not want to exert an effort, working means striving. She just wants to get the merit that others did....her technic, syempre hindi sya nagpagod.

My 2 cents, you should not pay attention, but as soon as she makes an error or she is not performing well you can maybe talk to your big boss. It's not being mean or something but to make the job done as you expected them to be. It's your project and she's a way responsible when you are on leave! Fair is fair ;)!

Francesca said...

uy, dinadaan ba sa pretty bombom(pwet)? daanin mo rin sa laki tyan, haha
baka galing yan sa England? A bit of a snob, feeling important?
Tungsyung(carefull), ana. She is the Devil that wears Pradaaaaa...

Nanaybelen said...

nakaka-embyerna!! talaga ang ganyan katrabaho.Ganyan ang walang alam sa trabaho. Sipsip! hehehe. hayan mo na lang. Congrats. buntis ka pala. Ingat.

Anonymous said...

hehehe galit yata ang buntis, na-enjoy ako sa pagbabasa ng tagalog mo.
talagang may ganyan siguro sa mga katrabaho kc minsan naririnig ko rin sa pakner ko dito na nainis sa collegue nya na sipsip sa big boss.
kahit bad trip si hubby pero lagi na lang nya ini-ignored lalo na babae yon pero lagi ko ipinaalala ky hubby na kung sobra na talaga syempre wag ding masyadong tahimik no! minsan sinabihan ko sya ako na sasapak haha ayon nafired-out naman kagad ang bruha kc wa epek ang sipsip style, sa work kc nila kelangan seryoso, mautak at di lang puro daldal. Swerte nila pag ikaw nagpagod, iba ang nakinabang di ba.
Natawa ako dun sa sinabi mo pagka fashion victim nya (ako din), kaya lang wala yata sya sa lugar kung kultura nyo eh pantalon at t-shirt lang.
yaan mo na lang sya...mahirap na ma-stress ang buntis. Hope yong bosing mo di bulag sa mga hardwork mo.

Analyse said...

DP, it really depends on the kind of job we hold. In your case, power dressing is almost the name of the game. In our case, we don't normally stop in planning our activities, writing procedures and all those paper stuffs. We're engineers. We're supposed to build and create experiences, and in doing so, we need to manipulate machines or instruments, if needed. I wear high heels too, but I know when to wear my fave jeans and t-shirt when I need to do dirty jobs - I mean, you really need to get your hands dirty.

Re: Sharing info. That's actually the essence of our existence here, we're at the central department and our main role is to create and develop here, then deploy new technologies to other plants.. if we don't share anything, then that means we're not doing anything, lol.

We'll anyway, we really cannot compare, we don't evolve in the same world, lol.

About her, I don't really care, it's up to her if she wants to improve her skills or not. I just don't appreciate that she take my project, I need somebody who's willing to take a screwdriver if something needs a fix. ;)

Haze, oh, it's her fashion style and I don't really care. Nakaka-insecure lang minsan kasi mukha kaming atsay sa tabi nya haha, but I continue to dress as usual. I'm more comfy with my jeans, period. And her skills, I think she's good at a certain domain, she's got a phd, ako masters lang, lol. Pero tingin ko, mas bagay sya sa R&D kesa engineering. We just dont have the same approach at work.. je sors de la vieille école where work goes beyond being infront of the pc.. kaya siguro ayaw na ni big bosing mag-hire ng engineers sa dept namin kasi wala ng gustong humarap sa machine, so unti unti ng nawawala ang expertise.. sabi nga nya minsan nung sabay kaming nasa work travel at syempre pa, exchange exchange ng everyday life sa opisina, Bon, je vais bientôt embaucher que des Philippins. Ils n'ont pas peur de salir leurs mains, et en plus ils font des bons rapports en anglais, sabay tingin sa kin.. e di syempre pa, kinilig ako hahaha.. partida pa yun, juntis na ko, naka-work travel pa din!

Oh, I think I was mean to her minsan. Big bosing proposed her kasi as a back-up minsan kasi I can't travel to Asia, I was fully booked somewhere else. My first reaction was 'No. Kung magpapadala ka dun, gusto ko yung mag-i-stay sa harap ng makina at titingin mismo ng resulta. Ayoko na ng report ng ibang tao, na sinulat naman ng ibang tao, at ipapadala sa akin. I receive reports like that everyday. At kung ganun din lang, di na kelangan pang lumipad sa Asia no. ' Ca, c'est fait. Bad me.

Francesca, lol, kung palakihan ng tyan ang laban, wala syang panama sa kin no hahaha.. but well, you've got the right guess. Yes hindi sya Pranses.. at wala akong problema sa mga Pranses dito.. ibang kultura lang talaga siguro..

Belen, oo nga, baka mapaglihian ko pa no hehe..

Lucille, lol, i have nothing to do with fashion victims, don't get me wrong.. nakakatuwa pa nga minsan kasi di ko na kailangang mag-window shopping to know what's in.. titignan ko lang sya, alam ko na kung ano ang uso hehehe.. but as you said, bawat kumpanya naman, me sariling dress code di ba.. not written, but you could see it..

nope, ok naman si bosing.. he knows my capability, sabi nga nya, I'm one of the best sa team daw nya, charing hehe.. kaya nga medyo imbyerna at di alam diskartehan kung sino ipapalit sa kin kasi ako lang sa team namin ang me alam nung proseso na itinatayo dito ngayon. tanong palagi kung kelan daw last day ko at di pa sila nakakahanap ng kapalit hehe..

Unknown said...

buntis, ang ringkols! wag mo na lang muna intindihin, bayaan mo na lang muna hanggang makatapos ka ng maternity leave mo....pagbalik mo, tsaka mo na lang resbakan. don't get mad, get even! ;-)

Ann said...

Gulat ako sa blog mo at naging tagalog, yun pala maglalabas ng sama ng loob...hehehe. Remember, buntis ka iwasan ang mga ganyang nakakainis.

Francine Ann said...

ana, bigay mo na lang sakin yung trabaho. need a work eh. sayang kasi malayo tayo. hai, hirap maghanap ng trabaho tapos kontrata ko eh hanggang july na lang

raqgold said...

laki nga ng problema mo, pero am sure, kapag kinausap mo ang bossing mo about what you feel dun sa girl na yun, there might be something done about that. ang mahirap nyan, yung trust dun sa ka opis mo e wala, that is not a good start. am praying that they'd find another one to replace you... keep our fingers crossed!

Anonymous said...

Naku, Ana, pasensiya ka na, hindi ko na tinapos ang pagbabasa ng mga inenumerate mo kasi kakaasar.

Hope you don't get to think about this often, ang bebe, isipin :)