Email me please..

Posted by Analyse at 3:13 PM

Tuesday, August 22, 2006

It's a choice. Being a bitch could be inborn, genetically transmitted characteristic. You know, when your Mom is a bitch and you think she's great, you will surely end up as a bitch. Bitches who choose to stay as such till their adult age are real and certified bitches. There are some who choose to be a bitch for a simple reason, by choice - to intimidate other people, bitch or not.

Asar. Ganyan ako ngayon. Since kararating ko lang sa bakasyon, I wanted to update myself sa status ng aking mga proyekto. At dahil kailangan kong makipag-deal sa iba't ibang nasyonalidad sa aking trabaho, kailangan ko ring i-adjust ang style ng aking pakikitungo sa bawat isa. Merong masipag mag-update at maki-update na minsan nakakaasar na dahil kahit simpleng impormasyon ay kailangan pang itanong. Meron namang super tamad mag-update na kahit simpleng email lang, di pa magawa. Ang sabi ni frenchguy nyan, kailangan ko pa daw magpaka-puta to get what I want.

Katatanggap ko lang ng email galing sa isang katrabaho saying: Tapos ko na ang pinagagawa mo. Saka na ang resulta pag me time ako, me iba pa akong pinagkakaabalahan sa ngayon. Super dry!

Naman. As if ang hirap mag-email para sabihan ako na tapos na pala yung testing at may first hand resulta na. Ngek! Di pa ako sasabihan kung di ko pa sya in-email. At kailangan pa talaga akong bitinin sa resulta. At hello, meron daw syang pinagkakaabalahang iba.. baket? Ako ba, isang proyekto lang ba meron ako?

Hay, miss ko na talaga makitrabaho sa kapwa ko pinoy ko. Sa bawat email, me kasamang lambing sa dulo, tipong... o sige, I'll do it for you, ice cream ko ha.. o di ba, ang cute.

18 comments:

batjay said...

pag naiinis ka, gawa ka na lang ng mahabang email explaining in very foul language what you feel. pag tapos ka na, diretso mo sa trashcan.

after kang mag vent, kausapin mo na yung kasama mo na gamit ang mga salitang puno ng tamis at sarcasm.

tapos bigyan mo ng ice cream na may bubog at pako sa loob.

Makis said...

There's so many things I miss about being & working with pinoys & the one thing I miss the most is the lambing. Non-existent talaga ang lambing dito & I agree, pinoy lambing is cute :) Hwag ng ma-inis, when the next time she needs you naman, bitinin mo rin.

tintin said...

You know they can get frustrating. I would email them and say. Are you saying you do not want to cooperate with me. Or you do not have time to cooperate with me. Maybe you should manage your time better. Is this what I should report to our superiors? (If you have one)

Maging maldita ka din.

The Doctor said...

Actually being a "bitch" is environmental, not genetic. It is a learned behavior. The characteristics are picked up as soon as one is born. Hormones can enhance this, but hormones are a small part. Also how to deal with hormone changes is learned. The people that choose to change, usually do so after they lose friends or lovers for being "bitchy"

Anonymous said...

relax, dear- ang puso mo! :)

I agree with batjay, write down what you really feel then press the send errr... delete button.

is it too hard to inform you with the results of the test? akit kailangan bitin?

Ka Uro said...

cool ka lang tita, baka naman may talagang pinagkaka-abalahan. baka matagal nang hindi nakapag-update ng blog. hehehe

Anonymous said...

Aray. Ano ba yan bading. Sino ba yang baklitang yan tara't gilitan natin. Pero at least sabi nya "tapos ko na ang pinagagawa mo.." O daba, malamang sa siguro eh gusto nya lang atang marinig ang magic word na "THANK YOU" from you. Why not ibigay ang kiliti bakla. Say thanks sabay f*ck yumadafacka sign pagtalikod nya. HAHAHA!

Anonymous said...

I agree with batjay, not with the writing-an-email-and-throwing-it-away part, but with the ice cream with bubog and pako part. Heh.
kala

Gina said...

Hej!
If you are a friend of Chas, you are ok with me...bitch or not...That term is used derogatorily, but those of us that learn to survive learn to embrace it...
Be back tomorrow!

Gina said...

PS...beautiful Baby! She is soooo sweet!

Francesca said...

sali ako, kahit midnight na!lol

una, di bagay sa iyo maging bitch, anong galit pa yan...lol

second: I asked that also to Lolo, why the functioners in the offices are soooo slow when they do the work? Me, i do it quick to finish and get rid of it.Here, dami sila ginagawa but not mine, andyan ako sa harap nila..!

Lolo said: No no no, here they do the work s-l-o-w-l-y. What for to do it quick, there's always plenty to do coming up.
They do it slowly,so that others will do the rest!Ey oui, ma belle!

ay katamad?!
Iba pa rin tayong mga Pinoy.

Third, (para tulog na ko!)

Concentrate na lang sa beauty ni Louna , more useful.
sarap niya pisilinnnnn!

Anonymous said...

Oic I am sorry to hear that you experience that kind of thing at your workplace. Here it's different people are sweet actually. I like working with them. That's why I have a complete opposite outlook than yours. Well in regards to being bitchy, I guess it's more like innate.

Señor Enrique said...

Ala ka! Sounds like "back from a wonderful vacation syndrome" ito ... hahaha!

Just take it easy ... one day at a time, ika nga ... before you know it, you're back into the swing of things. :)

Cheers!

Eric

Unknown said...

ang wrinkles mamah!

halos pareho tayo ah, sabay nagbakasyon, sabay bumalik sa trabaho, at sabay nakunsumi! hahaha

I agree with Batjay, pakainin ng ice cream na may bubog!

Anonymous said...

grrrr. zen ana. keep cool. nasa pransya ka, wala ka sa pinas na isang snap lang ng finger, andyan na gusto mo.

grrr at grrrr pa. kainis talaga. so tinawagan ko na sya para mas mabilis ang daloy ng impormasyon. magkaiba kasi kami ng departamento at magkaiba rin ng lugar ng trabaho, nasa kapitolyo sya, ako, dine sa dijon. never pa din kami nagkita at pers taym namin magkatrabaho. pagkatapos ng usapan sa telepono, lalo lang akong naasar, masakit na nga ulo ko, malamang inaatake na ko ng hayblad presyur ng dahil sa kanya. paano naman po kaya nya ako mapapadalhan ng resulta e ni hindi man lang nya tinignan yung produkto pagkatapos ng test. kasi daw di sya eksperto para i-evaluate ang produkto. anak ng tipaklong, pano ka magiging teknisyan kung di ka man lang marunong mag-analisa ng trabaho mo? at ang nasasabing produkto, natutulog lang naman sa mesa nya, di man lang ifinorward sa departamento na eksperto sa pag-evaluate ng kalidad ng produkto! Ano hinihintay nya, pasko? e kung sana bago sya sa organisasyon, e malapit na nga yatang magretire. kainis talaga. pers taym kong makitrabaho sa ganyan. karamihan ng nakatrabaho ko sa departamentong yun e super magagaling at tutulungan ka talaga para umabante ang proyekto mo. at tinanong pa ko kung gaano daw ba kaurgent yung proyekto ko. anak ng .... ang kailangan ko lang naman e malaman kung me depekto ba yung produkto, depekto na makikita mo with your naked eye, para alam ko kung kelangan ko bang iplano ang test, kelan, saan, sino.. o kung kelangan kong baguhin lahat, restart sa zero.. grrrrr ulit. hihintayin ko na lang ang bosing nya na nakabakasyon pa din hanggang ngayon, baka mas matinong kausap.

isa pang grrrr!

ps: saan ba nakakabili ng italian ice cream, bubog or pako flavor?

Anonymous said...

Kung minsan talaga mahirap makisama sa mga ibang nationalidad. At agree ako dun, buti pa ang pinoy, me konting lambing. Hehehe!

Salamat sa pagbisita sa blog, and yes. If you get the chance, do climb Pinatubo. Been there twice and mas maganda sya ngayon.

Anonymous said...

Naku mukhang galit ka talaga Ana ! Tagalog post mo ngayon! Di ba sarap ng feeling pag galit sa sarilling linguahe isulat ang blog ;-). Cool ka lang Ana, kung ako sa yo gawin mo kuhanan mo sya ng picture o kung meron company picture pag dating mo sa bahay idikit mo sa dingding don mo ibuhos galit mo...gawin mong target parang dart.... e di nakaganti ka na! Free bull eyes pa di ba...buti na lang di sya nakakaintindi ng tagalog...marami pa sana akong puedeng i advice sayo kaso masama na baka kunin ako ni Lord...ooopppppsss sori ;)

JO said...

I only had a chance to work with "pana" here. They are all hard workers, parang pinoy din... the only problem with them is they think they are superior! and they dont train well, they dont want to share their knowledge... If I have a question, they would tell me to find the answer on my own... kakapikon minsan, kasi client is in front of me, tapos ayaw nilang sagutin ang tanong ko?